Sunday, June 22, 2014

Galit Sa MLM # 16: Sa Recruit-Recuit Lang Daw Kumikita

galit sa MLM dahil sa recruit recruit lang daw kumikita pero hindi galit sa mga recruitment agency na sa recruit recruit din kumikita, nagpaparecruit pa nga!

Galit Sa MLM # 15: Installment Ang Kotse

galit sa MLM dahil installment naman daw yung mga kotseng ipinapakita pero hindi galit sa sarili nya na kahit installment na 2nd hand na kotse, hindi makapaglabas.

Galit Sa MLM # 14: Nauna Lang Nagkakakotse

galit sa MLM dahil nauna lang daw ang nagkakakotse pero hindi galit sa kumpanya nya na mga boss lang din nya ang may kotse.

Galit Sa MLM # 13: Pyramiding

galit sa MLM dahil pyramiding daw ito, pero hindi galit sa kumpanya nilang pyramid rin ang organizational structure.

Galit Sa MLM #12: Mahirap Mag-imbita

galit sa MLM kasi mahirap daw mag-imbita pero hindi nahihirapang mag-imbita sa fiesta or kapag birthday nya.

Galit Sa MLM # 11: Kinukulit Palagi

galit sa MLM kasi kinukulit daw sya palagi ng kaibigan nya para sumali pero kapag yumaman na ang kaibigan nya, nganga! :D

Galit Sa MLM #10 : Wala Daw Pera

galit sa MLM kasi wala naman daw syang perang pangsali pero kapag fiesta at birthday, nangungutang may maihanda lang.

Saturday, June 21, 2014

Galit Sa MLM #9 : Puro Pagkita Ng Pera

galit sa MLM dahil puro pagkita ng pera daw pinag-uusapan dito. pero hindi galit sa sarili nya na nagtatrabaho sa kumpanya para kumita ng pera.

Galit Sa MLM #8: Naloko Na Ng Isang Kumpanya

galit sa MLM dahil naloko na daw sya ng isang kumpanya. lahat ng kumpanya, basta MLM, scam na daw. pero matapos maloko ng boyfriend nya, hindi naman sya galit sa lahat ng lalaki kundi sa ex nya lang. umaasa pa rin na makakatagpo ng totoong magmamahal sa kanya. :)

Galit Sa MLM #7 : Sumali Dati, Walang Nangyari

galit sa MLM kasi sumali daw dati, walang nangyari. pero hindi galit sa sarili nya na hindi naman trinabaho yung pinasok nya kaya walang nangyari.

Galit Sa MLM #6 : May Initial Cash-out

galit sa MLM dahil may initial cash-out para makasali, pero hindi galit sa placement fee kung mag-aapply sa abroad, or sa franchise fee kung magfafranchise ng Jollibee or Mcdo.

Galit Sa MLM #5: Kelangan Pang Magrecruit

galit sa MLM dahil kailangan pang magrecruit, pero hindi galit sa mga recruitment agency kaya sya may trabaho ngayon. :D

Galit Sa MLM #4 : Mga Successful Lang Daw Ang Hinahighlight

galit sa MLM dahil yung mga successful lang daw ang hinahighlight pero hindi galit sa kumpanya nilang mga "employee of the month" lang din ang hinahighlight. yung mga late palagi at nasisante, hindi rin naririnig. :D

Galit Sa MLM #3 : Mahal Ang Products

galit sa MLM dahil mahal daw ang products, dami raw patong pambayad sa mga distributors. pero hindi galit sa mga produkto sa labas na ang dami ring patong pambayad sa mga artistang nagpromote sa tv at radio.

Galit Sa MLM #2 : Nauna Lang Ang Malaki Ang Kinikita

galit sa MLM dahil nauna lang daw ang malaki ang kinikita pero hindi galit sa mga boss nyang nauna sa kanya kaya mas malaki rin ang kita nila.

Galit Sa MLM #1 : Kumikita Sa Trabaho Ng Ibang Tao

galit sa MLM kasi kumikita daw sa trabaho ng ibang tao. pero di galit sa boss nya na mas malaki ang sweldo dahil magaling syang empleyado. di rin galit sa may-ari ng kumpanya na yumayaman dahil sa trabaho nya.