Sunday, June 22, 2014

Galit Sa MLM # 16: Sa Recruit-Recuit Lang Daw Kumikita

galit sa MLM dahil sa recruit recruit lang daw kumikita pero hindi galit sa mga recruitment agency na sa recruit recruit din kumikita, nagpaparecruit pa nga!

Galit Sa MLM # 15: Installment Ang Kotse

galit sa MLM dahil installment naman daw yung mga kotseng ipinapakita pero hindi galit sa sarili nya na kahit installment na 2nd hand na kotse, hindi makapaglabas.

Galit Sa MLM # 14: Nauna Lang Nagkakakotse

galit sa MLM dahil nauna lang daw ang nagkakakotse pero hindi galit sa kumpanya nya na mga boss lang din nya ang may kotse.

Galit Sa MLM # 13: Pyramiding

galit sa MLM dahil pyramiding daw ito, pero hindi galit sa kumpanya nilang pyramid rin ang organizational structure.

Galit Sa MLM #12: Mahirap Mag-imbita

galit sa MLM kasi mahirap daw mag-imbita pero hindi nahihirapang mag-imbita sa fiesta or kapag birthday nya.

Galit Sa MLM # 11: Kinukulit Palagi

galit sa MLM kasi kinukulit daw sya palagi ng kaibigan nya para sumali pero kapag yumaman na ang kaibigan nya, nganga! :D

Galit Sa MLM #10 : Wala Daw Pera

galit sa MLM kasi wala naman daw syang perang pangsali pero kapag fiesta at birthday, nangungutang may maihanda lang.

Saturday, June 21, 2014

Galit Sa MLM #9 : Puro Pagkita Ng Pera

galit sa MLM dahil puro pagkita ng pera daw pinag-uusapan dito. pero hindi galit sa sarili nya na nagtatrabaho sa kumpanya para kumita ng pera.

Galit Sa MLM #8: Naloko Na Ng Isang Kumpanya

galit sa MLM dahil naloko na daw sya ng isang kumpanya. lahat ng kumpanya, basta MLM, scam na daw. pero matapos maloko ng boyfriend nya, hindi naman sya galit sa lahat ng lalaki kundi sa ex nya lang. umaasa pa rin na makakatagpo ng totoong magmamahal sa kanya. :)

Galit Sa MLM #7 : Sumali Dati, Walang Nangyari

galit sa MLM kasi sumali daw dati, walang nangyari. pero hindi galit sa sarili nya na hindi naman trinabaho yung pinasok nya kaya walang nangyari.